April 21, 2011

When Life Offers You A Dream So Far Beyond Any Of Your Expectations, It's Not Reasonable To Grieve When It Comes To An End.

Written on January 16, 2009


"Kapag sa buhay mo ay dumating ang isang bagay na nakapagbigay ng ligaya sayo pero 'di mo naman inaasahan na mangayayari pala, hindi tama na ikaw ay maghinagpis kapag dumating ang panahon na mawala ito sayo..."


Sa buhay natin, maraming mga bagay ang nagyayari. Yung iba, inaasahan na nating mangyari dahil matagal na natin itong pinaghihirapang makuha at yung iba naman, darating nalang nang di natin inaasahan. Bigla nalang yun mangyayari. Bigla nalang yun magiging parte ng buhay natin. Bigla nalang natin mararamdaman kung ano na ba ito sa buhay natin - kung mahalaga ba ito o hindi.

Kadalasang nangyayari yan sa buhay pag-ibig. Maraming tao ang darating sa buhay mo - lahat sila, di mo inaasahang magiging parte ng buhay mo. Yung iba, dumating para makasama mo habambuhay. Yung iba dumating para magbigay sayo ng kalungkutan. Yung iba, dumating para bigyan ka ng kasiyahan. Yung iba, dumating para saktan ka lang. Yung iba, dumating para makasama mo nang panandalian lang. At yung iba, dumating para iwan ka lang. Kapag dumating ang mga taong 'to sa buhay natin,  nag-iiwan sila ng mga alaala sa puso natin - maganda man o pangit. Minsan nga diba, hinihiling pa natin sa Diyos na sana, sana lang... Hindi na mawala ang taong yun sa buhay natin. Na sana lang, di na siya umalis. Na sana, di na siya kunin sa atin ng tadhana. Pero sabi nga ng marami, sobrang mapaglaro ng tadhana. OO. Maaari ngang nakatadhana siyang makilala ka, makasama ka at... mahalin ka, pero paano kung nakatadhana din siyang mawala sa'yo? Anu na lang ang mararamdaman mo? Ano na lang ang gagawin mo? 

Minsan, merong taong darating sa buhay mo. Ordinaryong tao para sa'yo. 'Di masyadong mahalaga. 'Di masyadong importante. 'Di kailangang pag-aksayahan ng panahon. 'Di kailangang bigyan ng atensyon. Parang wala lang siya sa buhay mo - WALA. At minsan, ang taong ito ay ang taong sobrang nagmamahal sa'yo. Yung taong handang ibigay ang lahat para sa'yo. Ang taong handang magsakripisyo at ang taong maghihintay sa'yo. Kawawa naman siya. Sobrang halaga mo para sa kanya, pero siya wala lang para sa'yo. Kasi may iba kang pinapahalagahan. Kasi may iba kang pinaglalaanan ng oras mo. Kasi may ibang taong nandiyan para sa'yo na hindi mo kayang mawala at hindi mo kayang iwanan - yung taong mahal mo. Ang sakit sa pakiramdam nun noh? Mahal mo, 'di ka mahal, pero may mahal na iba. Bakit kaya di na lang pwede yung mahal mo, mahal ka rin? Bakit kaya kailangan pang masaktan ng taong nagmamahal at makasakit ng taong di kayang magmahal in return? Mahal na mahal ka ng isang tao pero di mo sya kayang mahalin. Kahit ganyan ang sitwasyon, hindi pa rin yun sumusuko. Naghihintay pa rin un sa'yo. Patingin-tingin. Pamasid-masid. Papampam minsan at umaasang papansinin mo siya kahit sandali. Kapag napasaya ka niya, pwede nang yun ang kumumpleto sa araw niya. Yun okay na okay sa kanya. At okay na okay din sa'yo. Masaya kayo pareho, e. Pero paano 'pag nakita ka niyang masaya hindi dahil sa kanya kundi dahil sa taong mahal mo? Anung klaseng sakit kaya ang mararamdaman niya nun, noh? 'Pag ganun ang sitwasyon, okay na okay na okay sa'yo pero sa kanya hindi, masakit. Sobrang sakit. 

Mahirap ipilit ang pagmamahal mo para sa isang tao laluna kung hindi naman siya ang nilalaman ng puso mo. Tatanggapin niya 'yun kahit 'di niya kaya. E sa ganun, e. Ano pa nga bang magagawa niya? Para sa kanya, langit ka at lupa lang siya. Napakahirap mong abutin. Napakahirap mong makuha. Pero ikaw mismo sa sarili mo, nakikita mo ang mga effort niya at nararamdaman mo ang pagmamahal niya para sa'yo. At hindi mo pwedeng baliwalain yun. Hindi mo siya magagawang saktan dahil mahal na mahal ka niya. Pero wala ka rin namang magawa. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay sa kanya at kailangan niyang makuntento dun.

Pero napapagod din ang tao. Napapagod maghintay sa wala. Napapagod magsakripisyo. Napapagod magparaya. Napapagod magmahal at magpakatanga. Napapagod umasa. At yung taong akala mong hihintayin ka habambuhay, mapapagod din. At kapag napagod na siya, unti-unti niyang maiisip na siguro nga, wala siyang pag-asa na makasama ka. Na walang posibilidad na mahalin mo rin siya. At dun niya maiisip na, wag na lang ituloy ang katangahan niya. Na wala rin namang patutunguhan kahit paulit-ulit niyang sabihin sa'yo na mahal na mahal ka niya. Totoo naman di'ba? Kaya ayun. Aalis muna siya at magpapahinga. At sa pagpapahinga niya, maraming pwedeng mangyari. Maaaring maisip niyang ipagpatuloy ang pinutol niyang pag-asa o kaya naman ay humanap ng iba. Yung taong mamahalin siya. Yung 'di siya iiwan at sasaktan. Yung tatanggapin siya kung anuman siya. Pero kadalasan, ginagawa lang niya ito para pagtakpan ang sakit na nararamdaman niya. Para malaman kung may epekto ba ang ginagawa niya sa'yo. Kung mamimiss mo ba siya at kung masasaktan ka ba 'pag pinagpalit ka niya. Minsan, "magmamahal" nga siya ng iba pero hindi naman niya talaga mahal. Kumbaga, ginamit niya lang. Pampalipas-oras. Panakip-butas. O kung anuman ang tawag dun. At ikaw naman, kahit anong tago ang gawin mo sa ibang tao. Kahit ipakita mo sa iba na okay lang ang lahat at okay lang na mawala siya. Hinding-hindi mo magagawang lokohin at itago ang katotohanan sa sarili mo. OO! Hindi mo kayang mawala siya. Hindi dahil mahal mo siya kundi dahil nasanay ka na na nandyan siya para sayo - nagmamahal, naghihintay at nagpapakatanga. 

Pero hindi mo nga ba siya mahal? Hindi nga ba talaga siya mahalaga sayo? Nasanay ka nga lang ba talaga na nandiyan siya para sa'yo? O baka naman mahal mo na siya. Pero di mo lang masabi kasi akala mo huli na ang lahat. Akala mo hindi ka na niya mahal. At isa pang dahilan ay dahil, meron ka ng mahal na iba. Paano na yan? Ano ba talaga ang totoo? Ano ba talaga ang dapat paniwalaan? Ano na ang dapat gawin? Pareho ka nilang mahal at pareho mo silang mahal? Pwede ba yun? Sana pwede. Pero bawal yun. Bad yun, e. Kailangan mong mamili. Kailangan mong piliin kung sino ang dapat sumaya at kung sino ang dapat na masaktan. Masakit at mahirap man para sa'yo. Ito ang kailangan mong gawin; PUMILI, MAGPASAYA AT MANAKIT. Walang ibang makapagpapasya at makapagdedesisyon para sa'yo. PUSO mo lang ang makakaalam ng katotohanan. PUSO mo lang ang makapagpapasya.

'Pag pinili mo ang taong dati mo nang minamahal. Walang magiging pagbabago sa buhay mo. Pero siguradong makakaapekto ito sa taong isa pang nagmamahal sa'yo. At yun ay tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa at pipili siya ng ibang landas na tatahakin niya. At ikaw, magpapakaligaya ka sa taong dati mo nang mahal, pero hindi mo na maaalis sa puso't isip mo na minsan sa buhay mo, meron kang isang taong sinaktan nang lubusan.

Pero 'pag nagbago ang ihip ng hangin. Kapag pinili mo ang taong dati pang naghihintay sa'yo. Dati pang nagmamahal at nagpapakatanga makuha ka lang. Dun na ang simula ng lahat. Yung taong dati mong kinakaawaan at 'di pinahahalagahan, mamahalin mo rin pala. Kakaiba sa pakiramdam, noh? Pero siyempre masakit din para sa'yo ang iwan ang taong nagmamahal sa'yo nang walang kamalay-malay na may mahal ka nang iba. Pero wala ka nang magagawa dahil yun ang sabi sa'yo ng puso mo. 

Panibagong buhay ang haharapin mo at nung taong matagal nang naghihintay sa'yo. Pero kung anumang buhay yun, wala ng iba pang mas mahalaga kundi ang makasama niyo ang isa't-isa. Marahil, ganyan talaga ang pag-ibig. Siya... na dati mong ayaw makasama, kasama mo na. Dati mong 'di binibigyan ng atensyon, nasa kanya na ang buo mong atensyon ngayon. Dating hindi mo mahal, ngayon ay mahal na mahal mo na. Kakaiba nga talaga sa pakiramdam yun. Siya na nga yun... yung taong dumating sa buhay mo nang di mo inaasahan at di mo akalaing mamahalin mo matapos ang maraming 'di magagandang bagay na nangyari sa inyong dalawa. Yung 'di mo inaakalang mamahalin mo pala. Bigla na lang kasing nararamdaman ng puso yun, e. Walang salita na makapagdedescribe ng pakiramdam na iyon. At yun nga. Masaya kayong dalawa sa isa't-isa at wala nang makapaghihiwalay sa inyo. Aminin mo din sa sarili mo na, mas mahal mo siya kesa sa mga nauna mong minahal. At aminin mo din na hindi mo pinagsisihan na mas pinili mo siya. 

Pero wala na nga bang makapaghihiwalay sa inyo? Kahit kayong dalawa, hinihiling niyo na sana di na kayo magkahiwalay. Na sana kayo na ang magkasama habambuhay. Na sana 'di na hayaan ng Diyos na magkalayo pa kayo. Kahit nangako kayo sa isa't-isa na hindi kayo mag-iiwanan, nakakasiguro ba kayo na hindi na kayo paglalayuin ng tadhana? Na lahat ng problema ay kaya niyong lampasan? Na lahat ng pinagdadaanan niyo ay makakatulong sa inyo? Paano kapag hindi? Paano pag di na kaya? Paano sobra na? Ano na ang mangyayari? 

Ganun nga talaga ang buhay. May darating, may aalis. Pero 'di naman lahat ng dumarating ay umaalis. Kaya lang bakit kung minsan, kung sino pa ang mga taong ayaw mong umalis, sila pa yung nawawala sa'yo? Sila pa yung kukunin ng tadhana at tuluyang aalisin sa buhay mo? Bakit ganun? Hindi ba pwede na makasama mo na lang ang mga taong gusto mong makasama habambuhay? 

Paano na lang kung ang taong di mo inaasahang dumating sa buhay mo at di mo aakalaing mamahalin mo ay mawawala din pala sa'yo nang 'di mo inaasahan? Nakatadhana kang makilala mo siya. Nakatadhana na magkasama kayo. Pero nakatadhana din siyang mawala sa'yo. Totoo nga kaya ang kasabihan na, "When life offers you a dream so far beyond any of your expectations, it is not reasonable to grieve when it comes to an end"? Pero paano ba natin mapipigilan ang sakit na nararamdaman natin? Posible ba na hindi tayo masaktan kapag nawala sa atin ang ating pinapangarap? Parang imposible. Hindi lang parang. Imposible talaga. Pero kung hindi talaga siya para sa'yo, dapat mo itong ipaglaban. At kapag walang nangyari, wala ka nang magagawa kundi tanggapin ito.

"PAGKATAPOS NG LAHAT NG PINAGSAMAHAN - DUMAAN ANG MGA ARAW, MGA BUWAN AT MGA TAON NA MAGKASAMA TAYO, PERO DARATING DIN NAMAN PALA ANG PANAHON NA MAWAWALA ANG LAHAT-LAHAT." 


Oh, You Inspire Me.




No comments:

Post a Comment