April 21, 2011

Ano Nga Ba Ang Love?

Written on April 30, 2010



"Sabi ng mommy ko sa'kin dati, bata pa daw ako. Alam ko lang ii-spell ang love pero 'di ko pa alam kung anong meaning. Oo, 'di ko pa nga alam kung anong meaning nito hanggang sa madapa ako at matisod." (Sarah, First Time)

Well, obviously.. Watching a TV Series about crushes, puppy love and the many other types of love, first times, and everything about the life of teenagers, is pretty inspiring. Of course, I'm touched and I'm affected because I'm still a teenager. I'm still counting plenty of days and months before I become a lady. HAHA ;)

Hmm. Sobrang nakaka-relate talaga ako kay Sarah. Kung papapiliin ako ng character na gusto kong i-portray, yun eh yung character ni Sarah. Haha. Genius. Hindi maarte. Madaming alam. Masarap kausap kasi lahat ng lumalabas sa bibig niya, may sense. Nakakatawa or funny yung attitude niya and the way she speaks. Pero, hindi lang sa pag-aaral umiikot yung buhay niya. Meron din siyang real friends, loving family, and meron din siyang lovelife.

Hmm. Tama nga yung mommy ni Sarah. Bata pa siya. Bata pa tayo. Hindi pa natin alam kung ano nga ba talaga ang meaning ng love. Pwede nating malaman. Nandiyan ang internet. Nandiyan yung iba't-ibang libro. Mga articles sa papers and magazines. Madaming pwedeng panggalingan ng definition ng LOVE. Pero mas maganda siguro kung puso natin yung mag-dedefine nito. Yung as in gagawa tayo ng sarili nating entry sa dictionary pagdating sa word na LOVE. Kasi para sakin, ang love, hindi lang iisa ang meaning na pwede nating gawin para sa word na yan. Pwede kasing isang araw, ganito ang understanding mo about love tapos after some time, iba na ulit. Siguro, depende din sa experience at sa nararamdaman mo. Tulad ni Sarah, para sa kanya, Love means letting the person you love go. Yun bang, basta nakikita niyang masaya yung taong mahal niya, masaya na din siya. Yun yung love na hindi selfish. Alam mo ba, sa tuwing nanunuod ako ng mga ganyang story, parang narerealize ko na hindi naman pala ako marunong magmahal. Kasi dati, nung nagmamahal pa ako, selfish ako. Gusto ko sa'kin lang siya. Gusto ko ako lang yung nakikita niya. Gusto ko sa'kin lang siya close. Yung mga ganun. Ngayon ko lang narealize na sarili ko lang yung minamahal ko dati. Ayokong masaktan. Ayokong makita siyang may kasamang iba. Pero sana ganun lang kadali magparaya, noh? Parang yung ginagawa ni Baste at ni Sarah. Pero, based sa experience ko, mahirap gawin yun. Parang ang sakit-sakit sa puso. Kaya yun, hindi ko nga nagawa. Hindi ko nagawang labanan ang selfishness ko. Kaya, wala. Nauwi sa wala yung relationships that I've had before. Immature pa yung love na naramdaman ko dati. Sa ngayon, wala pa kong lovelife. HAHA! Almost 1 year na din akong ganito. Pag may nagtatanong nga sa'kin at nangangamusta sa lovelife ko, sinasabi ko lang, wala akong ganon eh. Tas, hindi na sila makapaniwala na wala. Iba na talaga pag college. Kung nung HS, lagi akong may lovelife. Ngayong college, wala na. Hanggang crush na lang ako. Tapos hindi na nila ako napapansin. HAHA =)) Ang sad noh? Nakakamiss tuloy ang HS. Isa pang point dun sa line na sinabi ni Sarah sa taas ay.. Love happens when you least expect it. Parang sa experience niya. Di niya alam kung ano meaning ng love hanggang sa nadapa at natisod siya. Hai. Masarap yang time na yan. Yung feeling mo, may butterflies in your stomach. High na high ka o hyper na hyper ka. Ang saya-saya mo. Inspired kang gumawa ng kung anu-ano. Lahat ng positive vibes, na sa'yo na! :) Hmm. Masarap nga talagang mainlove. Ang sarap ng feeling. Pero habang tumatagal, sumasakit din. Laluna kung hindi naman siya inlove sayo. Laluna pag alam mong may iba na siyang gusto o mahal. Ang sakit-sakit nun. Hmm. Madali lang sabihin yung sinasabi ni Sarah at ni Baste na; Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang gawin ang lahat makita lang siyang masaya. Basta masaya siya, masaya ka na rin. Andaling sabihin niyan eh. Pero mahirap gawin. Laluna yung last part. Basta masaya ka, masaya na rin ako. Pero sa totoo lang, sobrang nasasaktan ka na maipakita mo lang yung pagmamahal mo. Ouch yun. Nafi-feel ko kahit di ko pa nae-experience. Haaaiii. Ayun, balik tayo dun sa love comes when you least expect it. Sobrang naniniwala ako sa line na 'to. Laluna ngayong wala akong lovelife. HAHA =)) May nakapagsabi nga sa'kin, eh. Don't find love, let love find you. At tsaka, hindi naman kasi hinahanap yan eh, dumadating na lang yan. Haha! Miss ko na kasi yung feeling na may nagmamahal sa'kin. Swear! Pero siyempre, hindi pa din naman ako naghahanap. Hinihintay ko lang na dumating yung isang tao na makikitaan ko ng spark. Pero alam mo, pinangako ko na din sa sarili ko na pag  dumating siya at nagmahal ako ulit, hindi na ako magiging selfish. Syempre, natuto na ko. Natuto na ko sa experience ko. Syempre nakikinig na din ako sa mga sinasabi ni Sarah at ni Baste at ni Lucas at ni Cindy at ni Daddy (Dad ni Baste) at ni Avs at ng iba pang character sa First Time! HAHA! O diba.

Ayon, na-inspire lang talaga ako dahil sa mga napapanuod ko. Balang araw, gagawa na din ako ng secret blog tulad ni Sarah. Maidedefine ko na ulit ang love gamit ang puso ko. Hindi galing sa internet o sa mga books na nababasa ko o sa mga lines na naririnig ko galing sa movies and tv series. Yung as in, sa'kin na talaga galing. Yung ako na talaga yung author. Balang araw, makakagawa din ako ng sariling entry sa sarili kong dictionary about sa word na LOVE. Balang araw. Hehe ;)


Oh, You Inspire Me.♥



No comments:

Post a Comment